Just got home from a gt with erika and aimee (sa uulitin! :D).... and during the talk me naalala ko... hehehe... ayun humagalpak uli kami sa tawa.... tatay jo, kung mabasa mo to peace tayo ha? hehe... ikaw mag-aayos ng reunion di ba? :D
okay so on one of those (many) nights na nag OT kami sa Azeus noon, we ordered some dinner from a resto (forgot kung saan e...) and jo was the one who ordered for us (Jojo Ty po ang name nya :D). The conversation wen something like:
Girl: Ano pong name sir?
Jojo: Jojo Ty
Girl: Jojo Dy?
Jojo: Ty
Girl: Ano po un last name?
Jojo: Ty
Girl: Spelling po?
Jojo: T-Y
Girl: Ok po. Pawait na lang po.
After more than an hour of waiting we decided to follow-up. They said it was already delivered and should have arrived already. We then went out to check and found a delivery guy telling the person at the reception that the address stated matched our office. But the person said that there's no such person in the office. Since it was from the same resto we ordered our dinner from, we checked... hoping it was for us. Lo and behold, the name on the receipt was:
"Jojo Tiway"
hehehehe...
Peace tayo tay jo ha! Lilibre mo pa kami sa april! :D
Saturday, February 23, 2008
Tuesday, February 19, 2008
teleserye aftermath :D
Sa dami ng naghahanap ng tamang tao para sa kanila, sa dami ng naghihintay para matagpuan ang nakatadhana para sa kanila, paano kung nakita mo sya? Ano ang maaaring mag-udyok sa iyo na iwan sya?
Siya ang tamang para sa iyo. Pero paano kung hindi ikaw ang tama para sa kanya?
Siya ang nakatakda para sa iyo ngunit paano na kung hindi ikaw ang naitakda para sa kanya?
Alin ang mas tama? Ang magpatuloy sa piling ng isa't isa dahil sa sya ang tama sa iyo? O ang hayaan syang makasama ang tama para sa kanya?
Ano ang mas matimbang? Ang kaligayahan mo o ang kaligayahan nya?
Ano ang mas masakit? Ang di mo sya makasama o ang makitang hindi pa lubos ang kaligayahan nya?
La lang... narinig ko ung linya (paraphrase lang nung unang part) sa isang teleserye kagabi... napag-isip tuloy ako... :D Di ko na maalala kung anong teleserye e.. palipat-lipat kasi :D

Friday, February 15, 2008
thadde valentine dinner 2008 :)
thadde!!! thanks thanks kagabi! :D i had a great time :) sa uulitin :) (buti na lang may taxi na pumayag! hehehe)
when it comes to candid shots, dyosa, parang lahat andun ka ah! :D hehehe...
je, thanks for the pics! i'll try to upload mine later :) (mar, ikaw din ha! :D)
sino punta sa sunday? promise, try ko... will inform you tom :)

thadde @ gerry's grill (trinoma) feb. 14, 2008
Thursday, February 14, 2008
of stress, ennui and daydreams...
after weeks of unending pressure and non-stop work, i am left with nearly nothing to do (at least for the day - bukas nakaqueue na silang lahat...)
boredom + lack of sleep = unproductive kaye :)
so, to appease my restless mind (haha!), I, with the help of my very cooperative teammates ;) "researched" on the possible gimmicks we could have :) ... from paintball to karting to boracay getaway :D the possibilities!!! sana lang me matuloy!!! (un bora nga pala tuloy na .. daw :D - sama kayo? heheheh ... friends meet other friends ito :D)
hay... ang nagagawa ng walang magawa :D
Monday, February 11, 2008
Three Nights
bakit ba kasi kailangan pang tawirin ang linyang yan? di ba pwedeng mamalagi na lang sa bahagi kong ito ng mundo?
at sino bang nagsabing madali lang makarating sa kabila? mapapalad ang mga nagkaroon ng pagkakataong makatawid... di gaya ko... wala akong lakas ng loob na suungin ang mga harang... di ko kayang humakbang papalapit nang walang pag-aalinlangan...
ilang linya ang kailangang tawirin para makamtan ang diumano'y "minimithing kaligayahan" - yung tinatawag nilang tagumpay? di ba maaaring dito na lang ako? hindi raw... di daw matatapos hangga't di ako tumatawid... o sumusubok man lang...
ang hirap... may tumulak man sa akin at giyahan ako papalapit sa linya, wala pa ring kasiguruhang hindi ako maiipit ng harang...
ayun na! may tumulak na nga! napasadsad ako palapit sa linya... iwas, iwas, takbo!
taya!
sabi ko na, sa huli ako pa rin ang talo...
Note: hango po ito sa text message na:
"It's better to cross the line and suffer the consequences than to just stare at it for the rest of your life... rules of patintero"
Three Nights is the English term for Patintero according to this site:
http://www.seasite.niu.edu./Tagalog/Filipino_Games/mga_larong_pilipino.htm
ahehehe :)

Tuesday, February 5, 2008
LSS 2 (and 3) :)
Teanuts!!! kasalanan mo ito!!! :D hehehe... Salamat sa mp3s... meron ka lyrics nung Dumaan Ako? di ko mahanap e... :)
Sa Pagitan ng Ngayon at Kailanman
by Gary Granada
Sabi nga..
Sana ang buhay laging tama o mali
At ang katanunga’y simpleng oo o hindi
Kung ganun dalangin kong ikaw ay mamalagi
Sa pinakatangi mong pinakamimithi
Ngunit paano kung ang hinahanap mong ligaya
Ay nagkataong nalaman mong naroon pala
Sa magkabilang mundong magsinghalaga sa iyo
Paano ba mananatiling totoo
Ang galak at dalamhati ay paano hahatiin
At paano ka pipili kung wala kang pipiliin
Ano ang gagawin ng pusong di mapagbigyan
Ang magkatunggaling pangako at pakiramdam
May isang paruparong paroroo’t paririyan
Sa pagitan ng ngayon at kailanman
Paano ka magpapasya, paano mo mapagkasya
Paano ba mapag-isa ang isa’t isa
Kung isang araw magtalo ang panata’t panaginip
At ang iisa mong puso minsan ay magdal’wang-isip
Sa kalagitnaan ng pag-asa’t pag-asam
Sa dulo’t bungad ng pinagtagpo’t natagpuan
Ibig kong alamin kung ang pag-ibig may puwang
Sa pagitan ng ngayon at kailanman
Ano ang sukatan, alin nga ba ang mas mabigat
Sa isang sugatan, ang tunay ba o ang nararapat
Kung isang araw maghalo..
Ano ang gagawin ng puso kong nahihibang
Na nalilibang, na nagigibang naninimbang

Subscribe to:
Posts (Atom)