bakit ba kasi kailangan pang tawirin ang linyang yan? di ba pwedeng mamalagi na lang sa bahagi kong ito ng mundo?
at sino bang nagsabing madali lang makarating sa kabila? mapapalad ang mga nagkaroon ng pagkakataong makatawid... di gaya ko... wala akong lakas ng loob na suungin ang mga harang... di ko kayang humakbang papalapit nang walang pag-aalinlangan...
ilang linya ang kailangang tawirin para makamtan ang diumano'y "minimithing kaligayahan" - yung tinatawag nilang tagumpay? di ba maaaring dito na lang ako? hindi raw... di daw matatapos hangga't di ako tumatawid... o sumusubok man lang...
ang hirap... may tumulak man sa akin at giyahan ako papalapit sa linya, wala pa ring kasiguruhang hindi ako maiipit ng harang...
ayun na! may tumulak na nga! napasadsad ako palapit sa linya... iwas, iwas, takbo!
taya!
sabi ko na, sa huli ako pa rin ang talo...
Note: hango po ito sa text message na:
"It's better to cross the line and suffer the consequences than to just stare at it for the rest of your life... rules of patintero"
Three Nights is the English term for Patintero according to this site:
http://www.seasite.niu.edu./Tagalog/Filipino_Games/mga_larong_pilipino.htm
ahehehe :)
3 comments:
bakit ba kasi kailangan pang tawirin ang linyang yan? di ba pwedeng mamalagi na lang sa bahagi kong ito ng mundo?
-- di pwede.. kasi kung di ka tatawid at susugal, wala kang mararating..
Wag ka na lang magpatintero, bahay-bahayan na lang.
hahahahaha!!!! hindi ako nagbabahay-bahayan!!! maski nung bata pa ako!!! hahahahaha!!! :D kelan ka uwi? gimik!!!
Post a Comment